San Miguel Master Chorale Tunay Na Ligaya Lyrics

'Di ko pansin ang kislap ng bituin
'Pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
'Di ko na nasisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko

'Di ko pansin ang bango ng hasmin
'Pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw, sinta

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw sinta
Umaga, hapon kahit magdamag laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

'Di ko pansin ang bawat sandali
'Pag kapiling ka, sinta
Bagyo't ulan, kidlat at kulog man
'Di napapansin, sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

Tanging ikaw
Laging ikaw
Tunay na ligaya
Hindi magsasawa sa piling mo

See also:

35
35.119
Atomic eternal flame Lyrics
Banda Eva De Ladinho Lyrics