Top Suzara Magpakailanman Lyrics

Verse I:
Naaalala
Tayo'y magkasama.
Ika'y kapiling;
O, anong saya.

Verse II:
Di maunawaan
Kung bakit lumisan.
Nahihirapang
Tanggaping wala ka na.

Refrain I:
Ngunit ramdam kong nariyan ka.
Nararamdaman kong di ka naman nawala.

Chorus:
Alam kong naririyan ka lang, aking mahal.
Di ko inakalang (inaasahan) na magiging ganito.
Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal.
Alam kong naririto ka't ika'y makakasama magpakailanman.

Verse III:
Sana'y sinabi
Ang di ko nasabi
At sana'y nagawa ko
Lahat ng di ko nagawa.

Verse IV:
Para mapakita
Sa'yo ng lubusan
Na sa aking buhay.
Ikaw ay mahalaga

Refrain II:
Ngayon ay wala nang paraan
Para ika'y makayakap at muling mahalikan.

Repeat Chorus

Bridge:
Lagi-lagi kong pinagdarasal
Na sana'y pagbigyan ng Maykapal
Na muli kang makausap kahit sandali lang
Para magpasalamat at masabing minamahal kita...
Patawarin mo sana...

Repeat Chorus

Coda:
Alam kong naririyan ka lang, aking mahal.
Di ko inasahan na magiging ganito.
Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal
Ay naaalala ko na ang pagmamahal mong totoo.
Tulad ng pagmamahal sa'yo, ay hinding-hindi maglalaho
Magpakailanman...
Magpakailanman...

See also:

40
40.8
Heb me lief alsjeblieft Lyrics
Dekho Dekho Dil Ye Bole Lyrics