Sam Milby Buong Buhay Ko Lyrics

Buong buhay ko
Ngayon lamang nagmahal ng ganito
Buong buhay ko
Ngayon lamang nagmahal ng husto

Hindi ko na pakakawalan
Pagkakataong iyong nilaan, ito'y minsan lang

Buong buhay ko
Ngayon lamang naranasan ito
Pagmamahal mo ay nakamtan ng puso ko

Asahan mo na aalagaan
Pusong kay tamis kaylan may 'di sasaktan
Pagka't minsan lang kita natagpuan

Buong buhay ko,
Buong puso ko
Lahat ng ito'y inaalay sa'yo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Buong puso kong inaalay sa'yo

Buong buhay ko
Ngayon lang nadama ang ligayang ito
Sa piling mo lahat sa akin biglang nagbago

Mayron ng saya at mayrong sigla
Mundo'y kay ganda pag t'wing kasama kita
Ito'y minsan lang sana'y di na magwakas

Buong buhay ko,
Buong puso ko
Lahat ng ito'y inaalay sayo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Buong puso kong inaalay sa'yo

Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Buong puso kong inaalay sa'yo...

Buong buhay ko,
Buong puso ko
Lahat ng ito'y inaalay sa'yo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Buong puso kong inaalay sa'yo...

Inaalay sa'yo

See also:

40
40.26
Billy Talent White Sparrows Lyrics
Red Hot Chili Peppers The Righteous Lyrics