Davey Langit Dinggin Lyrics

Kahit saan mapunta ikaw ang nakikita
At sa aking paggising ika'y naaalala
Bakit ganito ikaw na lang lagi
Ang laman ng aking isip

Ilang beses na bang pinilit kang limutin
O walang magawa ako'y bihag mo pa rin
Bakit ganito hindi na makatakas
Sa rehas ng iyong pusong ubod ng lakas

Koro:
Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang
Di mo na 'ko mamahalin
Ako'y iyong palayain
At 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Instrumental

Sa iyong mga ngiti ako'y nabibighani
Ang iyong magandang tinig
Tulad pa rin ng dati
Di ba't nagkasundo
Magkaibigan na lang tayo
Ngunit damdamin ko
'Di mapilit na magbago

Repeat Koro

Bridge:
Di ko alam ang aking gagawin
Ngayong wala ka na sa aking piling
Ngunit walang magagawa
Pag-ibig mo ang susi
Sa pagkabihag kong ito
Ano ang gagawin ko?

Repeat Koro

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang
'Di mo na ko mamahalin
Ako'y iyong palayain
At 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito iak'y mahal pa rin?
Ooh, ika'y mahal pa rin

See also:

47
47.69
The Prisoners Dilemma Tears Came Falling Lyrics
the cat returns Kaze ni Naru Lyrics