Eraserheads Magasin Lyrics

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green
Isang tindahan sa may Baclaran,
Napatingin, natulala
Sa iyong kagandahan

Naaalala mo pa ba
Nung tayo pang dalawa?
Di ko inakalang sisiskat ka
Tinawanan pa kita,
Tinawag mo akong walanghiya
Eh medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon...

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera...

Na pambili,
Pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit mo'y gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel
Of the Whole wide Universe

Kasi...

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera...

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat di ko napansin
Bastos palang pamagat
Dali-daling binuklat
At ako'y namulat
Sa hubad na katotohanan

Hey!

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita.
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera...

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera...

Na pambili,
Pambili sa mukha mong maganda

Nasaan ka na kaya?
Sana ay masaya
Sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na..

uuhhh....

See also:

5
5.86
Josh Groban Ave Maria Lyrics
Los Yaguarú TODO ME RECUERDA A TI Lyrics