Yvan Lambatan Babalik Rin Lyrics

Oh kay sarap balikan
Mga alaala ng iyong iniwan
Ang tamis ng iyong halik
Sa pagtulog ko'y tanging panaginip

Nakakabaliw
Hinahanap ang yakap ng iyong pag-ibig
Nakakaaliw
Oh kay sarap isiping babalik rin

Heto ba?
Dito na ba?
Sa paraisong pag-ibig mo ang may likha
Ikaw ba?
Sana ikaw na
Pinapangarap ng pusong sumisinta

Oh kay sarap pagmasdan
Liwanag ng buwan na ikaw ang kapiling
Sa lamig ng simoy ng hangin
Ang yakap mo at halik ang dalangin

Laging hinahanap
Ang lamig ng pag-ibig na inaalay sa akin
Tangi kong pangarap
Sana muli kong madama ang pag-ibig

Heto ba?
Dito na ba?
Sa paraisong pag-ibig mo ang may likha
Ikaw ba?
Sana ikaw na
Hinahanap ng pusong nag iisa

Ikaw ba?
Sana ikaw na
Hinahanap ng pusong nag iisa...

See also:

48
48.109
Selena Salta La Ranita Lyrics
Voodoo Glow Skulls La Llorona Lyrics