Sound Bagong Siglo Lyrics

(Castillo/Yuson)

ang sabi nila'y may pagbabagong darating
at siya'y napaisip
siya'y nanaginip

at sabi nila'y sabay nating lalasapin
ang tamis ng ani't pagiging bayani

panay ang tingin sa kalendaryo
sinubaybayan balita sa peryodiko
ilan na'ng lumipas na enero
naghihintay pa rin

puwede ho bang magtanong?
ito na ba ang bagong siglo?
nakarating na ba tayo?

kailan kaya makakamit
kaliwanagang higit pa sa bituwin
akala ko ba malapit na
kinabukasang walang kasing-ganda
sama-samang tumayo
halina't hagilapin ang milenyo

ang sabi nila'y may magbabagang makinarya
at siya'y napaasa
siya'y naniwala
at sabi nila'y may kikislap na teknolohiya
katulad ng napapanood sa pelikula
inantabayanan ang balita
pero naghihintay pa rin

puwede ho bang magtanong?
ito na ba ang bagong siglo?
nakarating na ba tayo?

kailan kaya makakamit
kaliwanagang higit pa sa bituwin
akala ko ba malapit na
kinabukasang walang kasing-ganda
sama-samang tumayo
halina't hagilapin ang milenyo

pusong nasawi
namulat sa katotohanang mapait
at di mapakali
nasaan na ang langit?

-cusfungus@hotmail.com

See also:

49
49.97
056. I hate myself for loving you Joan Jett Lyrics
范晓萱 你的甜蜜 Lyrics