Sound Madaling Araw Lyrics

(Castillo)

habang nakakumot pa
ang bayang nahihimbing
at nakayakap pa sa unan
sangkatauhang nakapikit
doon sa lansangan inaabangan
pasadang walang wakas
at pilit idilat matang mabigat
sa pag-aalay ng sipag
at paghahabol sa liwanag

iba't-ibang klaseng tao
isa-isang lumilitaw
nagpapaikot ng mundo
nagmamadaling-araw
masama raw ang magpuyat
buhat-buhat ang mundo sa balikat
bago pa magsimula ang karera
inuunahan na ang pagsapit ng umaga

nagbubuhos ng aspalto
b__abiyahe patungo sa palengke
bagong-plantsang uniporme
nagwawalis sa kanto
inaakyat ang poste ng kuryente
pinipihit ang liyabe
nag-aalay ng sipag
nag-iipon ng liwanag
iba't-ibang klaseng tao
isa-isang lumilitaw
nagpapaikot ng mundo
nagmamadaling-araw
masama raw ang magpuyat
buhat-buhat ang mundo sa balikat
bago pa magsimula ang karera
inuunahan na ang pagsapit ng umaga

buhay na sinasangla
sa madilim na opisina
alang-alang sa kinabukasan
namumuhay nang baligtaran

iba't-ibang klaseng tao
isa-isang lumilitaw
nagpapaikot ng mundo
nagmamadaling-araw

-cusfungus@hotmail.com

See also:

49
49.97
Carpenters Fun, Fun, Fun Lyrics
C-Murder How A Thug Like It Lyrics