Sound Maynila Lyrics

(Castillo/Lopez)

kakaiba talaga
ang ating pagsasama
at minsan sa iyo'y nagtatampo
pag ako'y pinahihirapan
ngunit laging binabalikan
at sinisikap maunawaan

sumasabay sa iyong pulso
ang bawat kilos alay sa k__pas
ng iyong musika
nayayanig sa iyong tinig
tuwing tinatawid ang kalsada
sinasakyan ang ritmo ng maynila

nagising sa koro ng busina
awitin mo'y muling kinakanta
sa gitna ng katok ng tambutso
libu-libong taong nagkaisang
sundin ang tambol mo

sumasabay sa iyong pulso
ang bawat kilos alay sa k__pas
ng iyong musika
nayayanig sa iyong tinig
tuwing tinatawid ang kalsada
sinasakyan ang ritmo ng maynila

naglakad sa iyong mga bangketa
ang tiyempo mo'y muling nadarama
mula ilalim hanggang ibabaw
buong lipunan kasama sa sayaw

sumasabay sa iyong pulso
ang bawat kilos alay sa k__pas
ng iyong musika
nayayanig sa iyong tinig
tuwing tinatawid ang kalsada
sinasakyan ang ritmo ng maynila

napapangiti pa rin
sa haplos ng iyong hangin
kahit na kung minsan
ang hirap mong mahalin
o lungsod ko
makulay ang iyong tugtugin
at anuman ang mangyari
ikaw pa rin ang pipiliin

-cusfungus@hotmail.com

See also:

49
49.97
C-Murder How A Thug Like It Lyrics
Sound Peligro Lyrics