Jocelyn Enriquez Kailanman Lyrics

Magmula nang tayo'y magkalayo
Ang puso'y umiibig pa rin
Nalulumbay sa tuwing naaalala ang lumipas natin
Ang mga mata ko'y laging may luha
Hindi kaya mayro'n ka ng iba
Sabihin mo na ako, ako pa rin ang iniibig mo

CHORUS:
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita

Kahit na saan ka man naroon
Nais ko na iyong malaman
Hinding-hindi ko magagawa na aking kalimutan
Ang lahat sa ating munting nadama
Ay turing kong tanging kayamanan
Wala nang hihigit pa sa ating ginintuang pag-ibig

CHORUS:
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Magpakialanman

See also:

49
49.105
HUECcO Pa mi Mulata, Pa mi Morena Lyrics
Roger Whittaker Mamy Blue Lyrics